Pulang Laso

“Ayoko, natatakot ako. ‘Wag na, nakakahiya.”,

Ito ang mga kadalasang sagot tuwing may kaibigan akong inaanyayahang magpakonsulta patungkol sa kanyang HIV status.

20561796_1342410225884421_925784561_n

Naaalala ko pa noong una akong nagpakonsulta, puno ako ng takot at hiya dahil baka maaaring dumating sa punto na positibo ako sa virus. Baka hindi ko kayanin, sabi ko sa sarili ko. Ngunit nilakasan ko ang loob ko. Dahil alam ko, para sa ikabubuti ko rin ito.

20562885_1342410179217759_2068996260_n

Dumating ang araw ng konsultasyon, puno pa rin ako ng takot kahit dumaan na ako sa counseling tungkol sa maaring mga lunas at mga sanhi nito. Laking pasalamat ko sa Panginoon, iniligtas niya ako. Naging mas mulat ako sa maaring mangyari kung hindi ako mag-iingat.

Ang HIV o Human Immunodeficiency Virus, posibleng magdulot ng iba’t ibang impeksyon at sakit dahil sa pagpapahina nito sa ating immune system. Kapag bumaba na sa kritikal na lebel ang ating resistensiya, posible na itong lumala at maging AIDS o Acquired Immunodeficiency Syndrome.

Ayon sa Department of Health, halos tatlumpung tao ang nakakakuha ng virus na ito kada araw. Mula Enero 1984 hanggang Pebrero 2017, humigit-kumulang 45,000 na ang nagkaroon ng kondisyon na ito.

30-tao kada-araw ang nakakakuha ng sakit na ito. (2)

Nakakabahala na ito dahil halos 2,000 na ang namamatay sa virus na ito. Wala pang lunas o bakuna ang sakit na HIV/AIDS. Kaya mas nakakabuti kung tayo ay maagang magpapakonsulta tungkol sa ating status.

Maaari rin itong makuha sa pakikipagtalik sa taong positibo sa virus lalo kung walang gamit na CONDOM o kaya sa paggamit ng hiringgilya na ginamit ng taong apektado nito:

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s